Kristoffer King claims he has "no choice" but to bite the bullet to support his children

May malalim palang dahilan ang Cinemalaya 2012 New Breed Best Actor kung bakit nasabi niya ang mga katagang iyon.

Ipinaliwanag niya ito sa ikalawang bahagi ng panayam sa kanya ng bagong showbiz talk show ng TV5 na ipinalabas kagabi, August 6.
kristoffer king shirtless sexy nipple scandal hubad bakat

Aniya, “Oo, yung panganay kong anak, may sakit.

“Mayroon siyang Hunter Syndrome, mabilis tumanda yun, kaya…

“Yung ano lang naman niya, yung mga buto lang… tapos tinutubuan siya ng ano…

“Wala pa raw medication, ano pa lang, e… basta hindi ko na iniisip.”

Ayon sa medline plus, ang Hunter Syndrome “is an inherited disease in which long chains of sugar molecules (mucopolysaccharides) are not broken down correctly and build up in the body. Boys are most often affected.”

Ang physical manifestations nito, ayon sa news-medical.net, “include distinct facial features and large head.”

Hindi raw madali para kay Kristoffer na makitang mahirapan ang kanyang anak.

Kaya naman kahit na anong trabaho ay kaya nitong gawin, kahit na ang sinabi nitong “pagkapit sa patalim.”

“Paano ko ba sasabihin yun?” nag-aalinlangang sabi ng aktor.

Pero idinagdag niya, “May mga sumusuporta naman sa ‘kin, na hindi ko naman kailangan gawin yun…”

Pero bakit niya ito ginagawa?

“Dahil sa no choice,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito.

Hindi na nagbigay ng detalye si Kristoffer sa ibig niyang sabihin.

Ngayong may acting award na siya, gagawin pa rin ba niyang “kumapit sa patalim” kung sakaling magipit siya ulit?

“Hmmm… kahit sino naman siguro pagka ano [gipit],” tugon ni Kristoffer.

Hindi ba siya nahihiyang sabihin ito?

“A, hindi ako nahihiya kasi ano, e, hindi naman para sa akin, e. Kasi hindi ko kayang magutom yung anak ko,” rason niya.

Kumusta ba ang pamumuhay niya ngayon?

"Normal lang naman, normal... palaging sakto... sakto," tugon ng aktor.

May isa lang hiling si Kristoffer para hindi na raw niya magawa pang “kumapit sa patalim.”

“Yun lang isang regular lang na trabaho na… Kasi sa indie, hindi ko alam kung kailan ako kikita, hindi ko alam kung kailan yung susunod.”

Lahat daw ng kanyang paghihirap ay kanyang iniaalay sa pamilya, lalung-lalo na sa kanyang mga anak:

“Alam nila kung gaano ko sila kamahal… basta, sila na lang ang kayamanan ko, e.” (PeP.ph)