Kung may ikinaka-excite man ngayon si Dingdong Dantes, ito ay ang nalalapit nang pagpapalabas sa mga sinehan ng Tiktik: The Aswang Chronicles.
Bukod sa pagiging bida ng pelikula, isa rin si Dingdong sa producers nito—sa pamamagitan ng kanyang Agostodos Pictures—kasama ang Reality Entertainment, Post Manila, at GMA Films.
Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Dingdong sa grand launch ng 20 finalists ng Protégé: The Battle for the Big Artista Search, noong Linggo, August 5, sinabi niyang nagsisimula na sila ng promotion para sa Tiktik.
Ipalalabas na kasi ito sa October 17.
“The promotion started na, months ago, noong ni-launch namin ang komiks. So, by this month, nasa National Bookstore na siya.
“Yung movie, fully-CGI [Computer Generated Image] from start to finish,” pagmamalaki ng Kapuso actor.
Higit sa pressure, mas lamang daw ang excitement ni Dingdong na malapit nang mapanood ng mga tao ang Tiktik.
Saad niya, “Mas matindi ang excitement because bukod sa nandoon ako para gumanap bilang artista, kumbaga, on top also of being a producer, parang very excited ako sa fact na I will be part of something na breakthrough, na groundbreaking, a first in Philippine Cinema.”
Ang director ng Tiktik ay si Erik Matti.
Ito na raw ang tanungin dahil ang lady executive daw ang nakakaalam.
Wala ring ideya si Dingdong sa naisusulat na diumano’y tungkol sa kuwento ng Muslim ang susunod niyang primetime series.
“Wala pa pong sinasabi kung ano, magsi-set pa lang ng meeting.”
Nagulat ang aktor dahil ilang entertainment press pa ang nagsasabi sa kanya na ganoon nga raw ang tema ng susunod niyang soap.
“Hindi ko pa talaga alam, yun ang totoo!” natatawa niyang sabi. (PeP.ph)